Ang pag-utang ngayon sa online ay pahirapan na po. Kaya nga ako, tumigil muna sa pag-utang online, at mas pinili kong umutang sa SSS (online parin naman ang proseso).
Kaya, kung member po kayo ng SSS, at alam niyo na umabot na kayo ng 36 contributions mula umpisa, at may active 6 contributions sa nakalipas na 12 na buwan, pwede po kayo umutang sa SSS…
Tingnan po ninyo ang guide sa isa kong post — yung actual ko na pag-utang sa SSS.
Balik po tayo sa ating main topic ngayon… yes, totoo po na may mga online lending pa na mas piniling tumulong sa ating mga kababayan, at nagpa-process parin ng loan kahit may lockdown o enhanced community quarantine sa buong Pilipinas…
Mga active na online lending
- PeraJet – talagang may notice sa kanilang website na nag-pa-process pa sila ng mga loan applications para makatulong sa mga tao ngayong may lockdown!
- Moneycat – ang Moneycat ay may active na Facebook campaign, ibig sabihin ay nagpapautang parin sila… pero I think through mobile app na, hindi direct sa kanilang website, so better look for Moneycat on the playstore…
- CashWagon Philippines – kailangan ng isang valid ID at bank account. Ayon sa ating pa-survey sa Online Pautang Para kay Juan Group sa Facebook, ang isang member ay nagsabi na kasalukuyan pa siyang nakautang sa Cashwagon.
- TALA Philippines – according po yan sa sagot sa ating Facebook group.
- Pocketcash
- LendPinoy
- Handy loan
- GoPeso – may active Facebook ad campaign din ito… of course, nagpapautang, ano naman ang reason bakit sila nagbabayad sa Facebook kung hindi lang din sila nagpapautang ngayon?
- Online Loans Pilipinas
Ang mga listahan po na nasa itaas ay may 80-90% chance na mag-a-approve po sa inyong loan application… but remember, based din po iyan sa inyong mga sagot at available documents… like a valid ID and a bank account…
Kung wala po kayong bank account sa ngayon, mas mabuti po na e-download ninyo ang Unionbank Online na app, para magkakaroon po kayo sa savings account…
Mas malaki o mataas po talaga ang chance na ma-approved kayo kapag may bank account…
Sa PeraJet naman, sabi ng ka-member natin sa ating Facebook group, medyo maghigpit sila sa pagpapautang, at kailangan ang mga sumusunod na requirements upang ma-approved sa application.
- company ID
- government issued ID
- COE – certificate of employment
- Proof of address – billing sa tubig o kuryente
Para po tingnan ang aming official na listahan sa mga online lending, visit this page https://pinoymoneys.com/pinoy-utang/
First loan 0% fees 97% recommended Repayment: Up to 30 days Age: 21-70 years old Up to P25,000 Best Choice |
Interest Rate 0% at first loan 98% recommended Repayment: Up to 30 days Age: 20-65 years old Up to P20,000 Super Fast |
Waiting Time Instant Approval 95% recommended Repayment: Up to 180 days Age: 21-70 years old Up to P20,000 Best Loan |