Home Credit Product Loan Review

Home Credit Rewards Good Payer πŸ‘ How to Pay Product Loan on GCash πŸ‘ Home Credit Review Philippines [Video]

Watch the video above, or read the full video transcript below.

Alam mo ba, na kung mababayaran natin ang ating installment sa Home Credit on or before the due date ay eligible na ma-waive ang last month installment?

Ito ay malaking pabor sa atin. Bukod sa gaganda ang ating credit score sa Home Credit, mas liliit pa yung kabuuang babayaran natin. At dahil good payer tayo, maaring din tataas ang ating credit limit sa kanilang credit card.

Pangalawang gadget loan ko na ito sa Home Credit. Napakalaking tulong, at ang Home Credit ay hindi lang nagpi-finance ng gadget loan, actually, kahit ano, basta ang store na pupuntahan natin ay may Home Credit.

As of now, pwede pa silang mag-finance sa akin ng up to 60,000 for a product loan. Kung mas maliit ang kanilang finance offer na makikita niyo sa My Home Credit App, pwede niyong padalhan ng email ang HomeCredit, at e-update ang iyong existing na Gross income, para ma-update din nila ang offer para sa product loans.

At this point, ipapakita ko sa inyo kung papaano babayaran ang HomeCredit product loan sa GCash. Gaya ng sabi ko kanina, binabayaran ko talaga ang monthly installment on or before the due date. Minsan, nag-a-advance pa ako ng bayad talaga. Dahil dito, kapag uutang ako, super dali ng approval din.

Dinagdag ko na sa list of billers ang HomeCredit, para papindot-pindot nalang ako tuwing magbayad. Halos lahat ng Bills na pwedeng bayaran sa GCash ay dito ko na binabayaran every month. Super convenient.

O, ayan, successful na. Based sa aking experience sa mahigit isang taon, masyadong okay kapag sa GCash natin babayaran ang HomeCredit bills, kasi ilang minuto lang, posted na din sa My Home Credit App.

By the way, kung gusto niyo ngayong umutang, pero wala kayong payslip, at valid ID lang ang hawak niyo, pwede niyong e-check ang pinned comment ko sa ibaba para sa mga lists of loan apps na fast approval.

Kung gusto niyo ang ganitong mga video, pwede po kayong mag-subscribe sa Money Infinity.

O, ayan! Posted na sa My Home Credit App ang bayad ko na galing sa GCash. Kung gusto niyong hindi ma delay ang posting sa inyong HomeCredit bills, magandang bayaran din ito sa GCash.

Para panooring ang aking video about top 8 best loan apps with fast approval, e-click po ang link sa itaas!

Rate this post
The best loans for you πŸ’Έ
[wptb id=4775]

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Scroll to Top